Douthit lalaro muna sa Chinese Basketball Association

PANSAMANTALANG maglalaro si Smart Gilas center Marcus Douthit sa Chinese Basketball Association habang hinihintay ang panibagong alok ng binubuong PHL Smart Gilas.

Ang balak na paglalaro ng 6-11 naturalized Filipino sa Toshan Dragons ay may kalakip na $60,000 na buwanang suweldo sa liga na tinatayang tatagal ng kulang-kulang sa limang buwan.

Sa paglalaro niya sa Chinese league ay makakasama niya si ex-NBA superstar Tracy McGrady.

Bagaman may nauna ng pahiwatig kay Douthit na maglaro sa PBA, napigilan siya dahil sa height limit requirement.

Sa kabila ng napipintong pagpaso ng kanyang kontrata sa Smart Gilas na hanggang sa Disyembre 2011, nagpahayag pa rin si Douthit ng kagustuhang muling sumabak sa Philippine national team kung kakailanganin pa ang kanyang serbisyo. Radito Torres

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply