Dr. Boy Abunda pinatawad na si Erik Santos

TULUYAN na ngang winakasan at tinuldukan ng kaibigan naming si Boy Abunda ang tampo at galit niya sa rati niyang alagang singer na si Erik Santos. Yes, nagkita na at nag-usap nang masinsinan ang mag-ama ng Backroom, isang talent agency na nagluwal sa nasambit na mang-aawit na si Erik Santos.

Naging maayos naman daw ang pag-uusap sa pagitan nina Dr. Boy Abunda at ni Santos.  Maging sa show ni Tito Boy sinabi na nito na nagkaintindihan na sila ni Erik dahil humingi na rin ng sorry sa mga taga-Backroom na nauna na nitong nasaktan matapos na itoy makapagbitaw ng mga salitang hindi maganda sa pandinig ng mga taga Backroom at mabait na TV-host.

Si Tito Boy pa na madali namang makaintindi at makaunawa basta’t mag-sorry ka lang. Sana’y magsilbing leksyon na ito kay Erik at sa iba pang mga artista. Iwasan sana na ulitin ang maging taklesa, di ba naman, Erik Santos? Sa ngayon, wala na sigurong dahilan ang ibang mga kasamahan natin sa panulat para pahabain ang isang gap sa pagitan nina Erik at Tito Boy dahil mismong sa show nitong The Buzz ay tuluyan na niya itong tinuldukan. Tutal nag-sorry na naman si Erik kaya sapat na sigurong pinatawad na rin siya ni tito Boy.

***

Whitebird entertainment bar naghatid ng tulong sa Obando Bulacan

TALAGANG sobrang nakabibilib ang gesture ng mga may-ari ng Whitebird entertainment bar diyan sa may Baclaran, along Roxas Boulevard na sina Boss Willie Pingol at Sir Nilo kung saan nabalitaan naming nagpahatid pala ang mga ito ng tulong sa pamamagitan ng relief goods sa mga kababayan natin sa Bulacan na binaha, partikular riyan sa may Obando.

Kung tutuusin, marami namang mas malalaking bar r’yan kung ikumpara mo rito sa Whitebird pero sila na ang naunang gumawa nang kabutihan para sa mga kapawa natin Pilipino at naghatid ng tulong. Sana’y pamarisan ng iba pang mga club owners diyan ang tulong na ginawa nina Boss Willie Pingol at Sir Nilo sa mga taga-Obando, Bulacan at iba pang kalapit na mga bayan ng Obando.

Ngayon alam na namin ang sikreto ng Whitebird kung bakit patuloy na sila pa rin ang numero uno sa mga gay bars or entertainment bars dahil sa mga tulong na ginagawa nila sa ating mga kababayan na nangangailangan lalo na ngayong nakaraang pananalasa ang bagyong Pedring at ang pagbaha sa mga bayan ng Bulacan sanhi ng pagpapakawala ng tubig sa mga dam. Ngayon lang namin napatunayang kahit hindi ka man isang government official or pulitiko ay puwede ka naman palang tumulong doon sa mga taong nangangailangan. Di ba, Sir Nilo and Boss Willie Pingol? na walang hinihinging kapalit or hinihintay.

Samantala, over-acting naman yata ang naging reaksiyon ng mga kababayan nating sa paghawak lamang ng sigarilyo ni Nora Aunor sa isang pictorial nito sa isang magazine. Nauna nang nagpaliwanag ang mga namumuno ng YES Magazine, kung saan may hawak ngang sigarilyo ang nag-iisang Superstar, na si Ms. Joan Maglipon na ito’y props lamang. Kaya lang, sadyang hindi maunawaan ng ilan nating mga kababayan. Ang sa atin lang, hindi naman droga or baril ang hawak ni Mama Guy para mag-react at magreklamo sila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply