Dr. Tayag ng DOH bumisita sa Pampanga

BINISITA ni Dr. Eric Tayag, tagapagsalita ng Department of Health at head ng National Epidemiology Center ang lalawigan ng Pampanga na isa sa mga binaha upang magbigay ng water purifying tablet at powder dahil na rin sa naitalang pagtaas ng bilang ng nagkakasakit ng diarrhea.

Ang pamamahagi ng DOH ng gamot ay bilang pansamantalang solusyon sa pagdami ng water borne disease kung saan ito ay dahil sa maruruming tubig na naiinom ng mga residente sa lugar.

Dahil dito, pinayuhan ni Tayag ang mga residente na maiging pakuluan muna ang tubig na kinukuha sa mga poso bago ito inumin matapos na magpositibo ito sa cauliform tulad ng E.coli bacteria na may bantsa sa kalusugan ng tao kapag nakonsumo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply