Motor vs trak: drayber tepok

KAAGAD binawian ng buhay ang drayber ng isang motorsiklo matapos itong banggain ang kasalubong na trak sa bayan ng Daraga sa Albay.

Ang biktima ay kinilalang si Stalyn Tirado samantalang nakilala naman ang drayber ng trak na si Enrique Eco.

Base sa imbestigasyon ng pulisya ng Daraga, mabilis umano ang takbo ng motor at nang dumating ito sa kurbada sa may Baragnay Namantao sa nasabing bayan ay hindi na nito naiwasan ang kasalubong na trak.

Dinala kaagad ang biktima sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital at idineklara itong dead on arrival.

Nasa kustodiya ng Daraga PNP ang drayber ng trak habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa aksidente.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply