Drayber pinagbabaril habang namamasada

PATAY ang isang tricycle driver nang pagbabarilin ng isa sa tatlong hindi pa nakikilalang mga suspek habang ito ay namamasada sa Caloocan City kagabi (Oktubre 7).

Namatay sa pinangyarihan ng insidente sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Roderick Batac, 33, ng Area D, Camarin sa nasabing lungsod.

Base sa ulat, dakong alas-7 ng gabi ay namamasada ang biktima sa Phase 6 Road, Camarin sa lungsod nang harangin ng mga suspek at isa ang agad na pumutok kay Batac.

Masuwerte naman ang mga pasahero ng biktima na hindi nadamay at agad na nagbabaan sa tricycle at nagtakbuhan habang tumakas ang mga suspek.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo sa nasabing pamamaril at kung ano ang pagkakakilanlan ng mga suspek. Rene Manahan

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply