Dropout rate sa high school bumaba– DepEd

INIHAYAG ng Department of Education (DepEd) na bumaba na ang dropout rate sa high school sa taong 2011 kung ikukumpara noong nakalipas na school year.

Ayon kay Education Secretary Bro. Armin Luistro, ang pagbaba ng dropout rate ay bunga ng patuloy na kampanya ng kagawaran para mapigilan ang pagtaas ng mga dropout student.

Nanguna sa talaan ng zero dropouts ang CARAGA Region sa naitalang 187 high school na sinundan naman ng Region 8 na umabot sa 127 paaralan.

Umaabot din sa 46,000 estudyante ang naisalba o napigilang huminto sa pag-aaral at ngayon ay malapit nang makatapos ang mga ito sa sekondarya.

Ayon pa sa kalihim, nagbunga ang inilunsad nilang programa na “Dropout Reduction Program” o DORP.

“There are many learners who face difficult social and economic situations and they too need government intervention. This is part of our mandate to make education inclusive and accessible to all Filipino learners,” ani Luistro.

Kasama sa listahan ng zero dropouts ang Region 1 na may 84 high schools, Region 2 na 83, 56 sa Region 3, 60 sa Region 4A, 35 sa Region 4B, tig-41 sa Regions 5 at 6, 86 sa Region 7, 98 sa Region 9, 42 sa Region 10, 32 sa Region 11, 60 sa Region 12, 99 sa ARMM, 39 sa CAR at 24 NCR.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply