Drug den sa Bicutan nilusob, 7 tulak tiklo

PITONG tulak ng iligal na droga ang binitbit ng mga elemento ng Station Anti-illegal Drugs Special Operations Task Group (SAID-SOTG) matapos na lusubin ng mga awtoridad ang hideout ng mga ito sa Barangay Street, Lower Bicutan, Taguig City kagabi, ayon kay PCI Mihilan Abu Payao, hepe ng nasabing tanggapan.

Sa ulat nina PO3 Christopher Bonifacio at PO3 Elric Valle, kabilang sa mga nahuli ay sina Lodina M. Dolot, alyas Che, 56; Melinda M. Siddayao, alyas Endang, 43; Aladin M. Dolot, alyas Allan, 35; Rogelio D. Lao, alyas Kone, 40; Joshua P. Mendoza, alyas Jo, 33 at Ryan Monte De Ramos Servano, 31.

Bago naganap ang buy-bust operation, sinabi ng mga undercover agents na personal na tumungo sa kanilang himpilan ang isang mapagkakatiwalaang impormante nag-tip hinggil sa pagbebenta umano ni Che kasabwat ng niligal na droga kasama ang grupo nito.

Dahil sa nalaman, agad na inatasan ni PCI Abu Payao ang team nito na maglatag ng entrapment para mahuli ang pangkat ng mga suspek na nagkakalat ng droga doon sa nabanggit na lugar.

Agad na dinakma at pinosasan ang sinasabing tropa ng mga tulak makaraang tanggapin ng mga ito ang marked money na ikinasa ng mga undercover agents.

Nasamsam mula sa mga suspek ang 2-small heat sealed plastic sachets na may lamang methamphetamine hydrochloride, 3-strips ng aluminum foils na may bahid ng residue ng shabu, 3 empty plastic sachets na may bahid rin ng ipinagbabawal na substance, 2-rounded aluminum foil na pinaniniwalaang improvised tooter at 2-disposable lighters.

Sa pagsisiyasat ng Southern Police District (SPD) Crime Laboratory Office, nabatid na positibo ang mga nakuhang ebidensiya laban sa mga ikinulong at kinasuhan na suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply