DUB Unlimited, Big Chill sasabak na sa D-League

SASALANG sa PBA D-League Aspirants Cup ang bagong kalahok na DUB Unlimited at Big Chill sa ikalawang araw ng palaro ng PBA D-League sa San Juan Gym sa Martes (Oktubre 25).

Ang liga na nasa ikalawang tournament na sa pangangasiwa ni Commissioner Butch Maniego ay resulta ng matagumpay ng unang ginanap na komperensiya na kungsaan ang ilang players ang nakapasok sa regular PBA league matapos mahasa sa developmental league.

Sa inisyal na double-header games kahapon (Oktubre 20), nanaig ang Freego Jeans laban sa PC-Gilmore sa iskor na 85-52 habang naungusan ng Blackwater ang Boracay Rhum sa iskor na 68-65.

Ang Freego Jeans na ginabayan ni Adamson coach Leo Austria sa NCAA ay sumandal sa mga manlalaro na hinugot sa Adamson Falcons, Ateneo Blue Eagles, Jose Rizal Heavy Bombers, De La Salle Green Archers at Rizal Technological University.

Sa panig ng PC-Gilmore, ang hitman na si Mark Acosta ang nanguna sa kanyang 18 puntos na ibinuslo habang sina Rodney Rondial, Raymond Austria, Lester Alvarez at Eric Camson ang nagtumpok ng pinagsamang 43 puntos sa pagpapahiya sa Gilmore cagers. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply