Dumaraming adik sa bansa nakababahala na

NAALARMA si Senate majority leader Tito Sotto III ang pagtaas ng bilang ng mga adik na Pinoy sa bansa.

Ito ay makaraang mabatid ni Sotto na umaabot sa 1.6 milyong Pinoy ang nagugumon sa ilegal na droga.

Base ang naturang bilang sa record ng Philippine Drug Enforcement Agency at Dangerous Drug Board.

Ang pahayag ni sotto ay ginawa matapos ang grand launching at awarding ng 33 heroes of the year ng Philippine Narcotics Enforcement Officers Association.

Ani sotto, kailangang palakasin pa ng awtoridad ang kampanya laban sa ipinagbabawal na gamot para maibsan ang mataas na bilang ng mga adik sa bansa.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply