Dumaraming kabataang sangkot sa krimen ikinabahala

NAKABABAHALA na ang paggamit ng mga sindikato sa mga menor-de-edad sa kanilang mga operasyon na siyang nagdudulot sa patuloy na pagtaas ng porsiyento ng mga kabataang nasasangkot sa iba’t ibang krimen.

Ito ang nagtulak kay Navotas Rep. Toby Tiangco upang ihain ang House Bill 5423 na naglalayong maamiyendahan Juvenile Justice Law o Republic Act 9344.

Tiniyak ni Tiangco na sa ganitong paraan ay maiibsan ang pagtaas ng bilang ng mga kriminal.

“A law should be for the good of the majority. While I’m convinced that majority of our youth are well on their way to being upright citizens of our society, sadly, there are still those who should be held accountable for their wrong choices. The provisions of R.A. 9344 appear to exonerate these juveniles and leave hapless victims and their loved ones without justice,” ani Tiangco.

Nais ng kongresista na maparusahan na rin ang mga kabataang nasasangkot sa iba’t ibang krimen na nagagawa pang magdala ng birth certificates na siyang ipinapakita sa mga pulis upang sila ay palabasin ng bilangguan.

Nakasaad sa panukala ni Tiangco na “children 9 years of age and under shall be exempt from criminal responsibility, while those above 9 but less than 15 shall undergo a diversion program, unless they acted with discernment.”

Nakalagay din dito na: “Those who are 15 or above but below 18 years of age shall be presumed to have acted with discernment and shall be prosecuted as an adult in accordance with the Rules of Court for the offenses they have committed.”

Kung mapatutunayang nagkasala ang mga ito ay makukulong sa bilangguan pagsapit ng 18 taong gulang.

Ang huling probisyon sa panukala ni Tiangco ay nagtatanggal sa “exemption” ng mga kabataan sa pananagutan sa bansa lalo na ang “rugby-sniffing” at “prostitution.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply