Dyip nahulog sa bangin: buntis kritikal, 12 sugatan

KRITIKAL ang isang walong buwang buntis habang 12 katao ang sugatan makaraang mahulog ang kanilang sinasakyang dyip sa bangin umaga ng Lunes, Oktubre 17 sa bulubunduking bahagi ng Sitio Balay Udang, Barangay Ramut, bayan ng Santol, La Union.

Nabatid na galing ang naturang sasakyan sa Barangay Tubadai patungo sa palengke ng naturang bayan nang mawalan ng preno hanggang sa dumiretso at mahulog sa hindi pa mabatid na lalim ng bangin bandang alas-9:00 ng umaga.

Kaugnay nito, kritikal ang kalagayan at patuloy na inoobserbahan ngayon ng doctor ang buntis na si Minda Sadao, 27 habang isinugod naman sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando, La Union ang iba pang sugatan upang malapatan ng lunas.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply