‘E-dalaw’ sagot sa pagsisikip ng kulungan– JSCC

MAGLULUNSAD ang Justice Sector Coordinating Council (JSCC) ng tinatawag na “electronic dalaw” para sa mga bilanggo.

Ayon kay Assistant Solicitor General Karl Miranda, na sa pamamagitan ng “E-dalaw” ay makikita at makakausap na ng mga inmate ang kanilang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng computer.

Malaki rin umano ang maitutulong ng “e-dalaw” para hindi na masyadong magsisikip ang mga kulungan sa araw mismo ng dalaw.

Sinabi ni Miranda na batay sa kanilang pag-aaral, umaabot sa 30 hanggang 40 porsiyento ng mga bilanggo ang hindi nadadalaw ng mga mahal nila sa buhay dahil sa kakapusan ng pera sa pamasahe.

Bukas (October 13) ay nakatakdang ilunsad ng JSCC ang E-dalaw sa Correctional Institute for Women sa Quezon City ganap na alas-9:00 ng umaga at susundan ito sa iba’t ibang kulungan kabilang na ang New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply