E-voting gadget sa Kamara planong dagdagan

PLANO ng Kamara na dagdagan ang e-voting interface gadget sa plenary hall ng Kongreso para mapagaan,  walang mali-mali at mabilis ang sistema sa botohan sa mga importanteng panukalang batas.

“Ang layuning ito ay upang mahikayat ang mga mambabatas na dumalo sa sesyon at itaguyod ang kasanayan sa mga alituntunin sa plenary lalo na sa pagboto sa mga importanteng batas,” wika ni Rep. Alfredo Binetez ng 3rd district ng Negros Occidental.

Sa kasalukuyan, mayroong 239 biometric e-voting gadget na nagkakahalaga ng P15 milyon ang Kamara na ikinabit sa bawat mesa ng kongresista sa panahon ni dating Speaker Prospero Nograles.  Kulang ito ng 46 sa ngayo’y 285 na kongresista.

Sinabi ni Benitez na kailangan ang pondo para maikabit ang karagdagang 46 na e-voting gadget. Hiniling din niya na mag-convene ang House committee on rules para sa isang Ad Hoc committee para amiyendahan ang House Rules sa dagdag na 46 na e-voting gadget. Beth Aragon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply