E-voting sa OFWs isusulong ng Kamara

IKINUKONSIDERA na ng Kamara de Representantes ang pagsusulong sa panukalang batas na pumapayag sa overseas Filipino workers (OFW) na makaboto sa pamamagitan ng Internet o online.

Lumutang ang online absentee voting sa joint hearing ng House Committee on Foreign Affairs at House Committee on Suffrage and Electoral Reforms at tinalakay ang posibilidad na amiyendahan ang absentee voting law.

Hinahanapan ng paraan ng Kongreso kung papano mapapalakas ang partisipasyon ng mga Filipino immigrant sa absentee voting dahil bumababa ang bilang mga ito bawat eleksyon.

Sinabi ni Comelec Commissioner Armando Velasco sa pagdinig na ang Internet voting ay convenient na sistema para sa Overseas Filipino Workers (OFWs) at iba pang Pinoy na nasa ibang bansa.

Ang sistemang ito ay magiging epektibo aniya upang mapadali sa mga OFw ang makaboto kahit nasa bahay o opisina ngunit mangangailangan aniya ito ng masusing pag-aaral upang masiguro ang aspeto ng seguridad.

Kinatigan naman ito ni Loida Nicolas Lewis, Pangulo ng United States Pinoy For Good Governance na nagsabing masyadong malayo ang narating ng Internet technology at hindi dapat maiwan sa panahon ng dekada singkuwenta (50) “frame of mind” ng gobyerno.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply