Eastern Samar Mayor pumanaw na

PUMANAW na si Salcedo, Eastern Samar Mayor Melchor Gagante matapos na atakehin sa puso sa isang pribadong pagamutan sa lungsod ng Manila.

Ayon kay Danny Duran anak ng yumaong alkalde, nabigla at nalungkot sila sa nangyari ngunit gayunpaman ay panalangin na lang ng pamilya ang matahimik na burol sa kanyang ama.

Kwento ni Duran, galing umano sa Australia ang ama nito noong nakaraang Miyerkules kung saan inatake sa puso dahilan upang isugod nila ito sa isang ospital sa Maynila.

Ngunit, ilang araw din ang lumipas ay dineklara ng doktor na wala na itong buhay.

Taong 1995-1998 ay nagsilbing bise alkalde si Gagante, at noong 1998 ay tumakbo bilang alkalde kung saan hindi nito naging matagumpay.

Samantala, noong 2001 elections ay sinubukan nitong muling tumakbo bilang mayor kung saan siya nanalo.

Dahil sa pagkamatay ng alkalde, otomatiko na papalit sa kanya ang bise alkalde na si Carmelita Sumayod at bise alkalde naman ang first councilor na si Homer Omlang.

Dahil dito bilang pagbibigay pugay sa pagkamatay ni Gagante, naka half-mast ngayon ang lahat ng Philippine flag sa bayan ng Salcedo.

Magbibigay ng anunsyo ang pamilya sa takdang araw ng libing ng yumaong akalde.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply