Economic growth target tinapyasan

BINABAAN na ng gobyerno ang economic target ngayong taon, bunsod ng epekto ng sunod-sunod ng kalamidad.

Inihayag ni Socioeconomic Planning Sec. Cayetano Paderanga Jr., na mula sa 5-6 percent economic growth target, ibinaba na nila ang pagtaya ng paglago ng ekonomiya sa 4.5 hanggang 5.5 percent.

Una nang inamin ng opisyal na malaki ang epekto ng sunod-sunod na bagyo sa tinatawag na gross domestic product (GDP) ng bansa.

Maging ang forecast ng ahensiya sa exports at imports ay ibinaba rin sa 5 percent at 13 percent, na mas mababa sa naunang pagtaya na 10 percent at 18 percent.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply