Edcel Lagman hinamon ng debate ni Enrile

HINAMON ni Senate President Juan Ponce Enrile si Albay Rep. Edcel Lagman sa isang matinding debate hinggil sa pag-aamyenda sa Saligang Batas na pinagkasunduan sa ginanap na Legislative Summit kamakailan.

Nilinaw din ni Enrile na walang kinalaman ang Malakanyang sa panukalang simulan ang paghahain ng anumang pagbabago sa Saligang Batas partikular ang economic provision nito.

Sa isang radio interview kanina, sinabi ni Enrile na dapat muling pag-aralan ni Lagman ang kanyang argument sa pagtutol sa panukalng magkaroon ng pagbabago sa Saligang Batas dahil nakabase ang kanyang pananalita sa 1935 Constitution.

“Pati yung sinasabi ni Lagman , kaninang umaga sa peryodiko binabasa ko eh dapat pag-aralan nyang muli ang constitution sapagkat ang ginagamit nyang basehan ng kanyang argumento eh yung 1935 constitution,” ayon kay Enrile.

Ayon kay Enrile, walang probisyon sa 1987 Constitution na nagsasabing dapat bomoto ng hiwalay ang Kongreso upang maamendahan ang economic provision na siyang nakatakda sa pinagkasunduan sa huling Summit.

“Voting separately. Wala yan sa 1987 Constitution, ang sinasabi lang, Congress may propose amendments for revision to this Constitution, period!,” ayon kay Enrile.

Ipinaliwanag ni Enrile na dapat magpulong ang Kongreso sa isang joint session upang maghain ng panukala na amendahan ang Saligang Batas sa pamamagitan ng ¾ votes ng lahat ng bilang ng miyembro.

“Hindi 1937 constitution, Sa 1987 Constitution, sinasabi dun na ang congress kelangan mag pulong ang 2, joint session and then they’ll propose an amendment by ¾ vote. What the ….3/4 vote of all the members of congress,  now there are two kinds of members of congress, the senators and the House of Representatives, and ¾ of each member, of each chamber will be required,” paliwanag niya

Nilinaw din ni Enrile na walang kinalaman ang Malakanyang sa kasunduan na maghain ng panukala  na amendahan ang Saligang Batas na ipinalulutang ng ilang sektor kabilang ang miyembro ng minorya sa Mababang Kapulungan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply