Elasto Painters mapapalaban sa Bolts

PIPILITING ipinta ng Rain or Shine Elasto Painters ang pang-limang panalo laban sa Meralco Bolts upang masolo ang unahan sa 2011-12 PBA Philippine Cup elims.

Kasalo ng Elasto Painters ang Talk ‘N Text Tropang Texters sa liderato na may parehong 4-1 win-loss record habang nasa pang-apat na puwesto ang Bolts na may 4-2 karta.

Nakasampa sa liderato ang Tropang Texters ng talunin nila ang Petron Blaze Boosters, 96-86.

Bumida si shooting guard Ryan Reyes ng 21 puntos, pitong rebounds at apat na assists upang tanghalin siyang best player at ilagay ang Talk ‘N Text sa tuktok.

Samantala, pagkatapos ng 4 p.m. encounter ng RoS at Meralco bukas (Oktubre 30) ay susunod naman ang Powerade Tigers at Boosters sa alas 6:15 ng gabi.
Tangan ng Petron Blaze ang 3-2 record habang 2-3 ang baraha ng Powerade. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply