Election sabotage laban kay GMA palabas lang

BAHAGI lamang ng palabas ng administrsyong Aquino ang pagsasampa ng kasong election sabotage laban kay dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ni Atty. Raul Lambino, tagapagsalita ni dating Pangulong Arroyo na ang isinampang election sabotage ni Senador Koko Pimentel ay bahagi ng agenda ng administrasyong Aquino upang maipakulong si Arroyo.

Sa ngayon ay batid na rin aniya ng pamilya Arroyo na wala silang maaasahang hustisya sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon dahil mismong si Pangulong Benigno Aquino na ang nagsabi na pananagutin ito.

Naunang nagbitiw nang paniniyak si Pangulong Aquino na posibleng sa kulungan mag-Pasko si GMA at ang asawa nitong si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Minaliit lamang ng mga kaalyado ni GMA sa Kamara ang inihaing kaso ni Pimentel kabilang dito sina House Deputy Minority Leader Danilo Suarez at Maguindanao Rep. Simeon Datumanong.

Anila Suarez at Datumanong, mababaw ang inihaing kaso ni Pimentel laban kay GMA kung pinagbasehan umano nito ay ang pahayag ng dating Pangulo na kailangang 12-0 ang mga kandidato ng nakalipas na administrasyon noong 2007 elections.

Tiniyak ng mga kongresista na ang motherhood statement ng mga party leaders na dapat ipanalo ang buong team ng partido ay hindi nangangahulugang marching order ito upang mandaya kaya’t kumpiyansa ang mga mambabatas na hindi tatayo sa korte ang kasong eleciton sabotage na isinampa laban kay Arroyo.

Ipinaliwanag ni Datumanonng na malabo umano ang probable cause kung ang pagbabasehan lamang ay ang testimonya nina dating Maguindanao election supervisor Lintang Bedol at dating Maguindanao provincial administrator Norie Unas.

Giit pa ni Datumanong na ang mga naglabasang testimonya ng dalawa na magkasalungat ang pahayag ng mga ito dahil si Unas ay naghugas kamay sa sinasabing dayaan noong 2007 elections subalit idiniin namna ito ni Bedol kaya para magkaroon ng bigat ang kaso ni Pimentel laban kay GMA ay dapat na makapagprisinta sila ng mas matibay na dagdag ebidensya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply