Electronic bus sagot sa lumalalang global warming

PARA maibsan ang paglala ng global warming sa Pilipinas, isinusulong ng Climate Change Commission (CCC) ang pagkakaroon ng electronic bus o E-bus sa mga lansangan.

Sa pahayag mismo ni CCC Commissioner Mary Anne Lucille Sering, ang pangunahing dahilan ng global warming ay ang polusyon na mula sa mga tambutso ng mga sasakyan.

Aniya,  sa kanilang tuloy-tuloy na research at comprehensive study ay nangunguna ang mga sasakyan na pinagmumulan ng polusyon sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Malaki aniyang kabawasan sa air pollution kapag ang mga pampublikong sasakyan tulad ng bus, taksi at iba pang pampublikong sasakyan ay de kuryente na isang alternative fuel para sa transport sector.

Pagaganahin ng komisyon ang PPP o Private-Public Partnership, sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding sa mga bus company, na gagawa ng pag-aaral at testing sa paggamit ng e-bus.

Bahagi ng pondong gagamitin sa pagbuo ng e-bus ay manggagaling sa gobyerno at isinusulong din ang iba pang mga alternative fuel lalo na sa transport sector bilang pamalit sa diesel na pangunahing gamit nila sa pamamasada.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply