Electronic voting scheme sa Kamara kakalkalin

PAIIMBESTIGAHAN ng Kamara ang biometric electronic voting system na proyekto ni dating House Speaker Jose de Venecia, Jr., subalit hindi napakinabangan ng mga kongresista.

Sa kanyang House Resolutioon 1783, sinabi ni Negros Occidental Rep. Alfredo “Albee” Benitez na dapat mabatid kung maaari pang pakinabangan ang proyektong ginastusan ng P15 milyon lalo pa‘t ang Pilipinas na lamang ang hindi high-tech pagdating sa plenaryo.

Ayon kay Benitez, masyado nang napag-iiwanan ang Kamara dahil mano-mano pa rin ang sistema ng botohan at pagpapa-check ng attendance gayung gumastos ng pondo para sa electronic voting system.

Noong 2008 naglaan ang Kamara ng pondo para sa proyekto pero pagkatapos na maglagay ng mga wirings o kable sa plenaryo ay walang ibinigay na gadgets para sa lahat ng mambabAtas.

Magugunitang tinanggal ang carpet sa plenaryo upang kabitan ng mga kable para sa electronic voting subalit hanggang sa natapos ang termino ni De Venecia ay hindi napakinabangan ang nasabing sistema.

Pahayag pa ni Benitez na makabubuting pakinabangan ito upang hindi masayang ang ginastos na P15 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply