Embahada ng PHL sa Singapore sarado sa Okt. 26, Nob. 1, 7

ISASARA ang Philippine Embassy sa Singapore sa Oktubre 26 at Nobyembre 1 at 7 bilang paggunita sa Philippine at Singapore public holidays.

Sa ginawang announcement sa kanilang website, inabisuhan ng embahada ang kanilang kliyente na may mga katanungan na magpadala ng email o tumawag sa kanilang hotline.

Ayon sa Phil. Embassy, sarado ang embahada sa mga sumusunod na araw:

  • October 26, Wednesday: Deepavali
  • November 1, Tuesday: All Saints’ Day
  • November 7, Monday: Hari Raya Haji

“Clients with queries are advised to send an e-mail to php@pacific.net.sg with their name, contact number and specific query. Queries will be responded to within one to three working days,” ayon sa embahada.

Ang mga Filipino na kailangan ng urgent at agarang assistance ay pinayuhang magtext o tumawag sa embassy emergency hotline na +65.9072.2797.Ang Deepavali ay pagsisimula ng Hindu New Year ayon sa Lunar calendar.

Para sa event na ito ay naglilinis ang mga tao ng kani-kanilang mga bahay at nagsusuot ng mga bagong kasuotan.

Samantala, ang Hari Raya Haji ay isang selebrasyon naman ng pagtatapos ng Haj pilgrimage sa Mecca  kung saan ang mga “pilgrims” ay bibigyan ng titulo ng Haji para sa mga lalaki at Hajjah naman sa mga kababihan.

Kasama na rin sa kaugalian sa Singapore ang pagkakatay ng kambing at buffaloes kung saan ibinibigay ang karne nito sa mga mahihirap. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply