Embassy sa Saudi sarado sa Nobyembre 1-7

MAGSASARA ang embahada ng Pilipinas sa Riyadh simula sa Nobyembre 1 hanggang 7 bilang paggunita  matapos ideklarang holiday para sa paggunita ng All Saints  Day at para sa Hajj at Eid Al-Adha holidays.

Kaugnany nito, inabisuhan na ng Philippine Embassy sa Riyadh ang mga Filipino sa Saudi Arabia at Yemen hinggil dito.

“The Philippine Embassy in Riyadh informs the Filipinos in the Kingdom of Saudi Arabia and the Republic of Yemen and the public that it will be closed from 01 to 07 November 2011 in observance of the All Saints Day and for Hajj and Eid Al-Adha holidays.”

Sinabi ng embahada sa news release, balik sa regular ang kanilang tanggapan sa Nobyembre 8 mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon pagkatapos ng Eid Al-Adha holidays.

Magtatalaga naman ang embaha ng Pilipinas sa Riyadh  ng duty desk officers na magbantay 24/7 at tutugon sa mga pangangailangan ng Filipinos sa Saudi Arabia at Yemen, sakop ng hurisdiksyon ng nasabing embahada.

Maaari namang tawagan ang duty officers sa mga telepono bilang (+966 1) 482-3559 at 482-0507.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply