Empleyado sa fake ‘typhoon picture’ ng DPWH officials sinuspinde

SINUSPINDE sa trabaho ang kawani ng Department of Public Works and Highways na nameke ng mga larawan ng opisyal ng ahensiya na ini-upload sa Facebook.

Kumalat sa internet ang in-edit na larawan nina Undersecretary Romeo Momo, Director Rey Tagudando at District Engineer Mikunug Macud na nakatayo sa nasirang seawall ng Manila Bay sa Roxas Boulevard upang ipakita na nagtatrabaho sa gitna ng kalamidad ang mga opisyal.

Una nang sinabi ni Public Works Secretary Rogelio Singson na hindi totoo at in-edit gamit ang Photoshop ang mga kumalat na larawan.

Tiniyak naman ni Singson na walang kinalaman ang mga nasabing opisyal sa pag-upload ng pekeng mga larawan na ayon sa kanya ay kahiya-hiya.

Aniya, inamin naman ng hindi na pinangalanan na empleyado ang ginawa at siniguro na walang kinalaman ang mga opisyal na nasa larawan.

Hindi na rin pinaimbestigahan ng ahensya ang naturang kontrobersiya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply