Engkuwentro sa Basilan pinasisilip sa ceasefire committee

PINAKIKILOS ni Sen. Teofisto Guingona III ang mga opisyal ng government peace panel at Moro Islamic Liberation Front ceasefire committee na imbestigahan at aksyunan ang paglabag ng mga rebeldeng Moro sa tigil-putukan.

Ayon kay Guingona, chairman ng Senate committee on peace, unification and reconciliation, mabibigyan lang umano ng katarungan ang mga nasawing miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) special forces kung masusunod ang ceasefire mechanisms na napagkasunduan ng dalawang panig.

Sa kabila ng pag-iral ng ceasefire sa nakalipas na 14 na taon, sinabi ni Guingona na madalas magkaroon ng engkwentro ang mga rebeldeng MILF at tropa ng pamahalaan.

Dapat umanong agad na matugunan ang nangyaring engkwentro upang malaman kung sino ang may pagkukulang at kung sino ang dapat mapatawan ng kaparusahan. Vicky Cervales

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply