Entomophagy at breaded anay

SA SCIENCE subject ay napag-aaralan ang carnivores, omnivores at insectivore. Ang carnivore ay ang term na ginagamit sa mga hayop na kumakain ng karne ng kapwa hayop habang ang omnivore ay ang mga hayop na nabubuhay sa pagkain ng halaman.

Tinatawag namang insectivore ang mga hayop na nabubuhay sa pagkain ng insekto.

Alam ba ninyo na maraming tao rin ang kumakain ng insekto? Siyempre, malamang na napanood na ninyo ito o kaya naman ay nabasa sa internet.

Scientifically, ang tao ay hayop rin, hindi ba itinuro sa Science subject na ang tao ay ihinahanay sa mammals. Ang mga mammals ay taglay ang mga katangiang warm blooded, born alive (hindi isinilang na isang itlog), may fur o balahibo sa katawan, vertebrate (ibig sabihin ay may back-bone), may lungs para sa paghinga at nagpapasuso sa anak. Hindi ba’t ang mga tao ay ganito rin?

Pero angat ang mga tao sa iba pang mammals dahil ang mga tao lamang ang may isip.

Kung inyong mapapansin, pangkaraniwang pagkain ng tao ay ang karne ng hayop gaya ng manok, baboy baka at iba pa. Pangkaraniwang pagkain rin tao ang mga halamang tanim gaya ng gulay at prutas.

Sa iba’t ibang parte ng mundo kabilang sa Pilipinas ay may mga taong kumakain ng insekto tulad ng uod, ipis, gagamba, bubuyog, anay, langgam at marami pang iba.

Ang tawag sa kanila ang entomophagy o taong kumakain ng anay.

Breaded anay

Sangkap:

*Anay (malalaking buhay na anay)
*Breadings (gaya ng chicken at prok breadings)
*Mantika

1. Hugasan ang anay. I-set aside at patuyuin.
2. Painitin ang kawali at ilagay ang mantika.
3. Igulong ang anay sa breadings at ihulog isa-isa sa mainit na mainit na mantika.
4. Kapag lumutang na sa mantika ang breaded anay, ibig sabihin luto na ito. Hanguin at patiktikin sa paper towel.
5. Tsibugan na.

Pag-iingat

Dapat lamang na maging maingat sa pagkain ng mga insekto ang mga tao upang maiwasan na mapahamak. Kung hindi pamilyar ang insekto ay huwag itong kainin at baka imbes na maibsan ang gutom ay sa ospital pa ang bagsak o kaya naman ay pagkalason na maaaring mauwi sa pagkamatay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply