Epekto ng La Niña mararamdaman sa Disyembre– PAGASA

AYON sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), mararamdaman ang epekto ng La Niña sa Disyembre hanggang sa unang tatlong buwan ng 2012.

Sa nasabing phenomenon posibleng makararanas ang bansa ng malalakas na pag-ulan.

Sinabi ni Science and Technology Undersecretary Graciano Yumul, ang Eastern Sea Board ng bansa gaya ng Quezon, Albay, Samar, Surigao City hanggang Davao City ang pinakamatinding maaapektuhan ng mga pag-ulan ng La Niña.

Ayon pa kay Yumul, maaaring maulit ang mga pagbaha at landslide na naranasan noong Disyembre 2010 sa Albay na libu-libong pamilya ang inilikas.

Kaugnay nito, pinakilos na ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino ang mga local government unit (LGU)  na paghandaan ang pagdating ng malalakas na pag-ulan at bagyo.

Anang Pangulo, mahalaga na handa ang mga lokal na pamahalaan upang agad na makarating ang tulong sa mga maaapektuhang residente sa kanilang mga nasasakupan.

Iniulat din ni Pangulong Aquino na naihanda na ng Department of Science and Technology ang mga early warning system sa mga lugar na madalas ang pagbaha tulad ng Marikina.

Inihahanda na rin ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Geo-Hazard Map upang maihanda ang agarang evacuation sakaling may mga pagguho ng lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply