Eroplano bumagsak: 28 patay, 2 piloto ligtas sa P.N. Guinea

PATAY ang may 28 katao habang nakaligtas ang apat makaraang bumagsak ang isang eroplano sa Papua New Guinea sa kagubatan bunsod ng sama ng panahon.

Kasama sa nakaligtas ang dalawang piloto, isang Australiano at isa na galing New Zealand sa pagbagsak ng eroplano sa South Pacific island.

Ayon kay Sid O’ Toole, spokesman ng Accident Investigation Commission ng Papua New Guinea, nag-crash ang PNG Dash 8 aircraft habang nasa himpapawid galing Lae sa Madang.

Nag-crash ang twin-propellor plane sa 12 miles (20 kilometers) south ng Madang, he said.

Samantala, nakarating na sa pinangyarihan ang mga pulis at mga ambulansya maging ang mga imbestigador habang plano rin ng Australian consular officials na magtungo sa Madang.

“Initial indications are that there are no Australians amongst those killed,” base sa pahayag ng Australia’s foreign affairs department.

Nabatid na pumahimpapawid ang eroplano sa kasagsagan ng ulan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply