Estudyante pininger ng school principal

NASA balag ng alanganin ngayon ang isang school principal ng pribadong eskwelahan matapos ireklamo ng isang estudyante ng “pandadaliri” sa loob ng kanyang tanggapan sa Tondo, Maynila, iniulat ngayong araw.

Nahaharap sa kasong Acts of Lasciviousness at child Abuse ang suspek na si Jomar De Callas ng Holy Hearts Christian Academy sa Juan Luna St., Tondo.

Sa isinumiteng report kay P/Supt. Rolando Tumalad, Station Commander ng Manila Police District-Raxabago Police Station 1, una umanong “dinaliri” ang biktimang si “Dina”, 14,  special Child; 2nd Year High School sa nasabing eskuwelahan nitong nakaraang Biyernes ng tanghali sa opisina ng nasabing principal.

At nitong nakalipas na Lunes ay muling inulit ng suspek sa loob din ng nasabing eskuwelahan ang pangmomolestiya sa bata.

Nabatid pa na best friend ang tawagan ng biktima at suspek at palaging magkasabay sa pagkain tuwing tanghalian.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply