Ex-CAAP employee pinagpapaliwanag sa P15-M unliquidated cash advances

PINAGPAPALIWANAG ng pamunuan ng Civil Aviation Authority of the Philippines  (CAAP) ang dating kawani ng Air Transportation Office (ATO) kung paano  nakunsumo ang P17 milyon cash advances na ginamit sa pagbibiyahe sa loob at  labas ng bansa sa mahigit na sampung taon nito sa serbisyo.

Ayon sa memorandum na inilabas ni CAAP director general Ramon S. Gutierrez, hiniling nito kay Cesar Lucero, na tumatayong vice president at spokesperson  ng CAAP Employees Union, na ayusin ang kanyang unliquidated cash advances upang hindi makasuhan ng malversation of public funds.

Si Lucero ay natanggal sa kanyang posisyon bilang special investigator ng CAAP Security and Intelligence Service (CSIS) at napalipat sa Puerto Princesa bilang bahagi ng regular rotation ng mga empleyado.

Base sa record ng CAAP, ang naturang kawani ay may outstanding accounts na nagkakahalaga ng P17,492,679.63.

Ayon kay Gutierrez, binigyan nila ng taning si Lucero para ayusin ang kanyang account saka pinaalalahanan ang kawani na kailangang sa loob lamang ng 30 araw ay mag-liquidate na ito ng cash advances pagkaraang makabalik mula sa opisyal na pagbiyahe kung ito ay local travel, at 60 araw na palugit kapag ito ay isang foreign travel.

Anang Gutierrez, “Failure to meet the deadline constitutes violation of Article 219 of the Revised Penal Code, which is punishable under section 128 of the same Code.”

Sa kasalukuyan, mayroon lamang 800 technical personnel ang pormal na nakalipat sa CAAP mula sa mahigit sa 2,000 empleyado na itinuturing na ATO employees na nasa hold-over capacity na kinakailangang sumuong sa screening process abago sila matanggap o ma-promote sa staffing pattern na aprobado ng Department of Budget and Management.

Una rito, inakusahan ni Lucero ang ilang ranking officials ng CAAP sa ginawang withdrawal ng ilang milyong piso mula sa CAAP funds, subalit, ang nasabing akusasyon ay nauwi lamang sa wala dahil sa kakulangan ng merit, at inakusahan nito ang liderato ng CAAP ng korapsiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply