Ex-Comelec commissioner nasa PPCRV na

ITINALAGA na si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Gregorio Larrazabal bilang Vice Chairman for External Affairs ng church-based election watchdog na Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Nabatid na ang appointment ni Larrazabal ay inianunsiyo kasunod nang nakatakdang pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng PPCRV ngayong araw, Oktubre 20.

Ikinatuwa naman ni Larrazabal ang pagkakatalaga sa bagong puwesto dahil isang oportunidad aniya ito para sa kanya upang maging bahaging muli nang pagsusumikap na matiyak na magkakaroon ng credible na halalan sa bansa.

Kumpiyansa naman ni PPCRV chairperson Henrietta de Villa na malaking tulong sa PPCRV ang pagdating ni Larrazabal.

Si Larrazabal, 40, ay dating chairman ng Comelec Steering Committee mula taong 2009 hanggang 2011 na nangasiwa sa kauna-unahang automated election sa bansa noong Mayo 2010.

Naitalaga siya bilang Comelec commissioner noong Setyember 2009 at nagbitiw noong Pebrero 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply