Ex-con dedo sa pedicab driver

NAMATAY ang isang umano’y “astig” na ex-convict makaraang pagpapaluin ng kanyang kinursunadang pedicab driver kaninang madaling-araw sa Pasay City.

Dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) sanhi ng pagkakabasag ng bungo at lamog sa katawan ang biktimang si Roy Lapira, 29, residente ng No. 62 Don Carlos Revilla Village ng naturang lungsod.

Hawak pa ang duguang  bakal ng matagpuan nina PO3 Ronnie Rocero at PO2 Bryan Guzman ng Police Community Precint-6 (PCP-6) ang suspek na si Nelson Parqueles,  29, residente ng Sitio Malugay Brgy. San Martin De Pores, Paranaque City.

Sa ulat na nakalap nina PO3 Dennis Desalisa at PO2 Fernildo De Castro ng Homecide Section ng Pasay City Police ang insidente ay naganap dakong alas-4:30 kaninang madaling araw sa harapan ng Chowking sa Edsa Rotonda ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na ang suspek ay nakursunadahan ng biktima habang nagmamaneho ng pedicab,

Biglang hinataw ng biktima ang suspek na naging daan upang gumanti ito ng saksak hanggang sa maagaw nito ang flat iron bar sa ex-con at pinaghahataw nito ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan.

Ayon sa mga vendor sa naturang lugar masyado na umanong sakit ng ulo sa kanilang lugar ang biktima (Lapira) na lagi na lang nanggugulo sa mga tao na kanyang nakukursunadahan.

Ang suspek ay sinamapahan ng kasong homicide at nakapiit sa detention cell ng criminal investigation section. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply