Ex-militar itinumba sa La Union

ISANG retiradong kawani ng Philippine Air Force ang binaril sa lalawigan ng La Union umaga ng Miyerkules, ika-5 ng Oktubre.

Nagtamo ng limang tama ng bala si Claudio Basay Ninalga, residente ng Agoo, naturang lalawigan at idineklarang dead on arrival sa La Union Medical Center.

Ayon sa asawa ng biktima, naghatid lang umano sila sa kanilang dalawang anak sa San Nicolas West Elementary School nang mapansin niyang may sumusunod sa kanilang dalawang lalaki sakay ng isang motorsiklo.

“Nung papunta kami sa school ng mga bata, may nakita akong naka-motor na dalawang lalaki pero di ko makita mukha,” ayon kay Milagros Munar, asawa ng biktima.

“Nandoon sila malapit sa may irrigation tapos nung pagkapasok nung dalawa kong anak sa school dun na pinagbabaril yung papa nila,” dagdag pa ni Munar.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply