Ex-pulis tumimbuwang sa riding-in tandem

PATAY ang isang dating pulis matapos pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo habang ang una ay naglalakad papunta sa tindahan upang magbayad ng utang sa Malabon City, kaninang umaga.

Dead on the spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si PO2 Ronald Roxas dating pulis ng Navotas at residente ng P. Borromeo St., Longos, nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong 10 ng umaga, naglalakad papunta sa tindahan malapit sa kanilang bahay ang biktima nang sumulpot ang mga suspek at pinagbabaril si Roxas.

Matapos ang insidnete ay tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Inaalam na ng mga pulis ang motibo ng nasabing insidente kung saan tinitingnan din kung may kinalalaman ang pamamaril sa dating pagiging pulis ni Roxas.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply