Ex-StarStruck avenger timbog sa droga

NAHAHARAP ngayon sa kasong paglabag sa kasong anti-illegal drugs ang isang dati umanong miyembro ng “StarStruck” Avenger makaraang maaresto sa isinagawang buy-bust operation kagabi (Oktubre 5) sa Antipolo City.

Batay sa inisyal na ulat, kabilang sa limang naaresto si Jerick Rizaldo matapos ang isinagawang buy-bust operation ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force sa isang exclusive subdivision sa Antipolo City.

Si Rizaldo ay dating kalahok sa sikat na talent reality search sa isang malaking TV network.

Ayon kay PNP spokesman Agrimero Cruz Jr., nakuha sa limang suspek ang 500 piraso ng Bangkok pills, marked money at pakete ng marijuana.

Isinasailalim na ngayon sa imbestigasyon ang mga nahuling suspek sa Camp Crame. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply