Ex-vice mayor ng Sarangani pinaslang

PINASLANG ng nag-iisang salarin ang dating vice mayor ng Massim, Sarangani province kaninang umaga.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital sanhi ng tinamong tama ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Sawab Pangolima, 64-anyos.

Sa ikinasang follow-up operation, nahuli naman agad at ngayon ay isinasailalim sa masusing interogasyon ng Maasim police ang suspek na hindi pinangalanan para hindi masunog ang kanilang gagawing pagtugis sa mastermind ng krimen.

Ayon kay incumbent Vice Mayor Uttoh Salem Cutan, naganap ang insidente dakong 9 a.m. ilang metro lamang ang layo sa municipal hall.

Bago ito, nabatid na mag-isang naglalakad ang biktima sa lugar nang bigla na lamang lapitan ng suspek at sa hindi malamang dahilan ay pinagbabaril ito at saka tumakas.

Sa imbestigasyon pa ng pulisya, nabatid na personal grudge ang nakikitang motibo sa pagpatay kay Pangolima, na nagsilbing Massim vice mayor mula 2007 hanggang 2011.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply