Exemption sa taxpayers na may disable dependent aprub na

APRUBADO na sa House Committee on Ways and Means ang pinag-isang panukalang  batas para mabigyan ng P50,000 exemption sa taxable income ang taxpayer na may dependent na disabled.

Ang inaprubahang panukala ay tinanggal din ang kasalukuyang bilang ng limit na apat na dependents bilang tax exemption din sa sa mga tax payer.

Kabilang sa pinag-isang panukala ay ang House Bill 3765 ni Rep. Deogracias Ramos, Jr. (2nd District, Sorsogon), HB 4026 ni  Rep. Marlyn Primicias-Agabas (6th District, Pangasinan), HB 4793 ni Rep. Hermilando Mandanas (2nd District, Batangas) at HB 5100 ni  Reps. Gloria Macapagal-Arroyo (2nd District, Pampanga) at anak nitong si Diosdado “Dato” Arroyo (2nd District, Camarines Sur).

Nilalayon ng nasabing panukala na amendahan ang Section 35(B) ng National Internal Revenue Code of 1997, na  inamendahan sa  Republic Act 9504 para sa  pagbibigay ng  karagdagang  exemption  na  P25,000  sa  bawat taxpayer na may na walang disablity at P50,000 na sa may dependent na may disability.

Naniniwala ang mga mambabatas ang higit na pangangailangang pinansyal ang mga pamilya na may inaalagaang may kapansanan kaya dapat lamang na bigyang exemption ng mga ito sa kanilang bayarin sa buwis.

“Children with special needs far outweigh the challenges in comparison with dealing with regular and healthy children. Parents need to pay for expensive and specialized services such as occupation, physical and speech therapies to improve the quality of life of their children according to them,” ani Arroyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply