FASAP umapela na sa Korte Suprema

UMAPELA na ang Flight Attendants and Stewards Association of the Philippines sa korte suprema na ibalik ang naunang desisyon na nagdedeklarang iligal ang ginawang pagsibak ng Philippine Airlines sa 1,400 na mga flight attendants.

Sa inihaing petisyon ng FASAP, hiniling nila na ibasura ang SC en banc resolution na may petsang October 4, 2011.

Una nang iginiit ni FASAP Vice President Andy Ortega na hindi nila papayagan na basta na lamang masasayang ang mahigit 13 taon nilang paglalaban ng kanilang karapatan.

Ayon kay Ortega, tatlong beses nang nagdesisyon ang SC sa kaso ng retrenchment, kung saan sa nasabing mga rulings, idineklarang iligal ang pagsibak ng flag carrier ng bansa sa mga empleyado nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply