FG, ex-PNP officials kakasuhan na sa chopper mess

MALAMANG na kasama si dating First Gentleman Miguel “Mike” Arroyo kabilang ang ilang kasalukuyan at dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na kakasuhan bukas (Huwebes, Oktubre 13) ng Senado hinggil sa maanomalyang bentahan ng lumang helicopter sa pulisya.

Sa media advisory na ipinalabas ng Senate Blue Ribbon Committee ngayogn araw, sinabi ni Sen. Teofisto Guingona III na nakatakdang ipalabas bukas, ang Committee Report hinggil sa inimbestigahang anomalya sa bentahan ng helicopter sa PNP.

“After the press conference, Senator TG Guingona with other senators will file the appropriate complaint with the Office of the Ombudsman against the people who conspired and took part in the anomalous transactions,” ayon sa advisory.

Nauna nang nabulgar sa imbestigasyon na nakipagsabwatan si Arroyo sa ilang dati at kasalukuyang opisyal ng PNP at may-ari ng Lion Air Inc., at Manila Aerospace Property Trading Inc., sa pagbebenta ng lumang helicopter sa PNP sa halagang P105 milyon noong 2009.

Napatunayan din sa pagdinig na nauna nang ginamit ang naturang helicopter sa isinagawang operasyon ng nakaraang administrasyon upang manipulahin ang resulta ng 2004 presidential elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply