FG sabit din sa P660M loan ni Ongpin sa DBP

NAKALADKAD na rin ang pangalan ni dating First Gentleman Mike Arroyo sa isinagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay ng behest loan sa Development Bank of the Philippines (DBP).

Iprinisinta ni Solicitor General Anselmo Cadiz ang bahagi ng sulat ng negosyanteng si Roberto Ongpin na itinuturong pasimuno ng kontrobersiya sa ginanap na pagdinig ng Senate blue ribbon committee.

Ayon kay Cadiz, nakasaad sa sulat ni Ongpin na may petsang June 1, 2011 na inamin nitong magkaibigan sila ni Arroyo simula pa noong hindi pa naging pangulo si Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo.

“I never denied that Mike Arroyo is my friend. Mike is a true gentleman was been my friend long before his wife became president,” bahagi ng sulat ni Ongpin na binasa ni Cadiz.

Tahasang sinabi ni Cadiz na naimpluwensyahan ng matataas na opisyal ng gobyerno ang P660 million na loan ni Ongpin sa DBP sa pamamagitan ng pag-endorso upang ito’y maaprubahan.

Samantala, sa pangalawang pagkakataon ay hindi sumipot sa Senado si Ongpin dahil kasalukuyan itong nasa labas ng bansa.

Ngunit, nagpalabas ng komento ang negosyante kung saan mariin nitong itinanggi na nagkaroon siya ng behest loan sa DBP.

Sa halip, pinasaringan pa nito ang mga senador at matataas na opisyal ng pamahalaan na hindi naintindihan ang kanilang mga pinagsasabi at akusasyon lalo na ang ipinapukol sa kanya na ‘insider trading’.

Handa umanong humarap at magpaliwanag si Ongpin sa Senado sa oras na makabalik ito sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply