Fil-Am nominado sa 2011 CNN Hero of the Year

PASOK sa mga nominado ng 2011 CNN Hero of the Year ang Filipino-American na si Robin Lim.

Ayon sa CNN, mula pa noong 2003, kasama ni Lim ang kanyang midwife team sa pagpapaanak ng libu-libong mahihirap na kababaihan sa Indonesia.

Noong 2004, nang tamaan ng tsunami ang Indonesia, ang kanyang grupo ay hindi nagpatinag at nagbigay ng serbisyo kahit na limitado lamang ang kanilang gamit at resources.

Sa panayam ng CNN kay Lim ay sinabi nito na kailangan ng nasabing bansa ang kanilang tulong.

Bukod pa dito, itinatag rin ni Lim ang Yayasan Bumi Sehat, health clinics sa Indonesia na nagbibigay ng libreng prenatal at birthing care.

Samantala, matatandaan noong 2009, itinaas ni Efren Penaflorida ang bandila ng Pilipinas nang itanghal siyang CNN Hero of the Year para sa kanyang “Kariton Classroom.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply