Filipinas kampeon sa PSC-SBP Women’s Basketball tourney

IPINAKITA ng Philippine women’s basketball team na handa na silang mag-uwi ng ginto sa gaganaping Southeast Asian Games sa Indonesia, ito’y matapos magkampeon sa first PSC-SBP Women’s Basketball Invitational sa West Negros University gym, Bacolod City kahapon, Oktubre 1.

Bumira si Melissa Jacob at Cassie Tioseco ng 16 at 12 puntos ayon sa pagkakasunod kung saan ang nasabing liga ay preparasyon nila para sa SEA Games na magbubukas sa isang buwan.

“This will be a motivation for us to keep working harder for the SEAG,” wika ni PH team coach Haydee Ong.

“Maganda ang nilaro namin ngayon compared to our last games. Unti-unting na limit namin yung turnovers namin as the tournament progressed,” dagdag pa ng coach.

Nakopo naman ng China ang third place matapos nilang kawawain ang Qatar, 105-40.

Nag-ambag din sina Aurora Adriano at Analyn Almazan ng tig 10 points para sa Filipinas habang si Benjawan Naisum ang umungos ng maraming puntos para sa Bangkok Bank na may 13 markers.

Winalis ng Nationals ang kanilang preliminary matches kung saan tambakan ang laro, Qatar (69-40), Bangkok Bank (60-49), at Fujian Team (63-47).

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply