Final qualifying leg ng national age-group susulong na

ANG huling qualifying leg ng Philippine Academy for Chess Excellence (PACE)-National Chess Federation of the Philippines (NCFP) 2011 Age-Group Chess Championships ay tutulak sa Oktubre 14-16 sa Robinsons Cybergate, Singcang Bacolod City.

Ang mga aspiring young players ay lalahok sa mga sumusunod na kategorya: 17-Under (boys and girls); 14-Under (boys and girls); 11-Under (boys and girls); at 8-Under (boys and girls).

Bawat manlalaro ay bibigyan ng isang oras at 15 minuto sa Swiss System tournament na pangangasiwaan ni PACE president at NCFP executive director Grandmaster Jayson Gonzales sa pakikipagtulungan ni NCFP Negros Island coordinator Edwin Llamo.  Ang nasabing torneo ay basehan sa selection ng Philippine representatives sa 2011 Singapore Youth Chess Festival sa December 26-31 at basehan din sa pagbuo ng national youth team. Posible din ang pagkakaroon ng national chess rating at world chess rating.

Ang cash prizes at medals ay sinuportahan ng Bayan Muna party list sa pakikipagtulungan ng Robinson Land Corporation kung saan ang torneong ito ay bahagi ng NCFP chess development sa country side sa mga youth.

Ang grand final ng age-group qualifying series ay sa November 4-8 kasabay ng pagdaraos ng National Inter-Cities and Municipalities Team Championship sa Tanauan, Batangas.

Ang participants ay maaaring magpatala sa ganap na 10 a.m. hanggang 12 p.m. sa venue kung saan dakong 2 p.m. ang opening ceremony sa Oktubre 14. Hanapin sina Edwin Llamo sa 09209329895 at Francis Glen Panes 09184735828. Puede din bumisita sa www.philchessacademy.org. Liberty Icao

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply