Foot patrol giit ni Lim sa bagong OIC director ng MPD

MULING pinabubuhay ni Manila Mayor Alfredo Lim sa bagong talagang OIC Director Sr. Supt Alex Gutierrez ng Manila Police District ang “foot patrol” sa lungsod.

Ginawa ng alkalde ang pahayag sa ginanap na turn-over ceremony sa pagitan ni outgoing MPD Dir. C/supt. Roberto Rongavilla at Gutierrez.

“Challenge ko yan kay Col. Gutierrez kung pwedeng makita yung foot patrol dahil diyan nakasalalay sa mga mamamayan ang lakas ng pulisya,” ayon kay Lim.

Ayon sa alkalde, dapat na maibalik ang tiwala at magandang impresyon ng mamamayan sa mga kapulisan.

Sinabi rin nito kay Gutierrez na hindi dapat kunsintihin ang mga taong sumisira sa uniporme ng pulis at pangalan ng organisasyon.

Binigyang-diin pa ni Lim na kahit pa malaki man o maliit na tao ang lumabag sa batas ay dapat aksyunan.

Kasamang dumalo ng alkalde sa turn-over ceremony si chief Supt. Miguel Laurel, mga department head at mga opisyal ng MPD.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply