FPJ panalo ng 1 milyong boto vs GMA – Muslim judge

TINIYAK ng isang Muslim judge sa Senado na nahalal na Pangulo si yumaong Fernando Poe Jr., kundi nandaya si dating Pangulo, ngayon Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004 presidential elections na may lamang na isang milyong boto.

Sa kanyang testimonya sa komite, sinabi ni dating Lanao del Norte Judge Nagamura Moner na ipinadala siya sa Mindanao ni dating Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Alfonso Cusi na manipulahin ang resulta ng eleksiyon dahil natatalo si Arroyo sa halos lahat ng lalawigan at lungsod sa Mindanao.

Iniimbestigahan ng Senate Blue Ribbon Committee ang naganap na dayaan noong 2004 presidential elections na may kaugnayan sa Hello Garci scandal na gumimbal sa Arroyo administration noong 2005.

Ayon kay Moner na pinabulaanan ni Cusi, ipinadala siya nito sa Mindanao upang maghanap ng ilang taong makatutulong sa manipulasyon ng resulta ng halalan dahil natatalo si Arroyo sa malaking agwat sa maraming lalawigan at lungsod sa komunidad ng Muslim sa Mindanao.

“Talo si GMA sa Tawi-Tawi sa Lanao, officially – Sa Tawi-Tawi malayo ang panalo ni FPJ, but nabago pa rin para kay GMA, sa Cotabato City, malayo ang panalo ni FPJ, but nabago pa rin,” giit ni Moner.

“FPJ may have won by one million votes if GMA did not cheat,” dagdag ni Moner.

Ngunit, pinabulaanan ni Cusi ang alegasyon ni Moner dahil wala umano siyang kapangyarihan o kakayahan na gawin ang ibinibintang nitong dayaan sa halalan.

Ngunit,ayon kay Moner, ipinadala siya ni Cusi sa Mindanao upang maghanap ng taong makatutulong sa manipulasyon ng resulta ng halalan at gawin ang lahat upang manalo ang dating Pangulo.

Ngunit, ipinagtanggol naman ni Moner na hindi personal na nakilahok si Cusi sa pagmamanipula ng eleksiyon pero nanggagaling ang instructions mula sa kanya sa Maynila,

Inamin din ni Moner sa komite na ibinulsa niya ang P1 milyon mula sa P3 milyong ipinadala ni Cusi sa kanya bilang operational funds sa isang hotel sa Cotabato City.

“I categorically denied that your honor, I have no power to do that,” tugon naman ni  Cusi kay Moner.

Inamin din ni Moner na nagsinungaling siya sa imbestigasyon ng Senado noong 2005 probe sa Hello Garci scandal dahil natatakot siya na may masamang mangyari sa kanya at kanyang pamilya dahil wala sa kanyang kasamahan ang naitumba na pagkatapos ng halalan.

“That between going to jail and security of my family, I choose to go to jail and lied even here in the Senate for the security of my family because two of my companions are already shot. Baka may masamang mangyari sa akin talaga,” paliwanag ni Moner.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply