Fr. Tentorio ikatlong Italian PIME priest na pinaslang sa Pinas

PANGATLO na si Italian priest Father Fausto Tentorio na alagad ng simbahan na pinaslang sa Pilipinas.

Si Tentorio, miyembro ng Pontificio Instituto Missioni Estere (PIME) o Pontifical Institute for Foreign Missions (PIFM), ay pinatay ng nag-iisang suspek sa loob ng compound ng Mother of Perpetual Help parish church sa Arakan kaninang alas-7:30 a.m.

Ayon sa PIME Philippines blog site, dalawa pang Italian na miyembro ng kanilang kongregasyon ang pinaslang bago pa kay Tentorio na kinilalang sina Father Tullio Favali at Father Salvatore Carzedda.

Ang tatlong pari ay pinatay sa Mindanao, si Tentorio at Favali sa North Cotabato at si Carzedda naman ay sa Zamboanga City.

Ang pinakahuling biktima na si Tentorio, kilalang anti- mining advocate ay sinasabing nakatanggap ng pagbabanta sa kanyang buhay.

Sinabi ng PIME na si Tentorio, o “Father Pops,” ay may death experience sa isa sa kanyang pagbisita sa mga lumad sa Kitao-tao, Bukidnon noong 2003.

Sa kanyang salaysay, isinulat ni Tentorio  na “In the morning of October 6, 2003, I left the parish of Arakan, Cotabato at 8:00 o ‘clock together with four of our staff to visit some villages of indigenous people in the area of Kitao-tao, Bukidnon about, 30 kilometers away.”

Pero sa kabutihang palad ay may nakapagsabi aniya sa kanya na  may mga armadong kalalakihang naghihintay sa kanya sa Kitao-tao.

Kasama rin sa mga isinulat ni Tentorio, na simula pa taong 1978 ay nagsilbi na siya sa missionary sa Pilipinas at ilang residente na ang nagsabi sa kanya na ang grupong “Bagani” ay pumupugot ng ulo, iihawin ang tainga ng kanilang biktima at saka kakainin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply