Full domestic operation ng PAL magbabalik na sa normal

INAASAHANG babalik ang full domestic operation ng Philippine Airlines simula sa Nobymebre 24.

Sa kanilang twitter account, sinabi ng PAL na magpro-provide sila ng link na magpapakita ng domestic at international flights schedules hanggang Marso 24, 2012.
“PAL resumes full domestic operations starting 24 November 2011,” ayon sa twitter account.

Nakasaad din sa twitter account na ang departure at arrivals ng international flights ay sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2.

Gayunman, ang operasyon para sa domestic flights ay hiwalay sa pagitan ng NAIA terminals 2 at 3.
Ang nasa NAIA 2 ay ang biyaheng Butuan, Cagayan de Oro, Cebu, Davao, General Santos, Iloil0, Kalibo, Legazpi, Laoag ,  Puerto Princesa , Tagbilaran , Roxas .

Habang sa NAIA 3 naman ay ang biyaheng Bacolod, Cotabato, Dipolog, Dumaguete, Ozami,  Tacloban at Zamboanga.

Ang hindi normal na operasyon ay kasunod na rin ng sinasabing “spinoff” ng tatlong non-core businesses at ang malawakang strike  ngg ilan sa kanilang mga ground crew workers. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply