Fundraising concert para kay Nora Aunor

NAGPAUNLAK agpaunlak ding magpa-interview ni Nora Aunor pagkatapos nitong tanggapin ang Lifetime Achievement Awards na ipinagkaloob sa Supertar sa Gabi ng Parangal ng PMPC Star Award for Music.

Ayon kay Ate Guy, wala nang makapipigil sa kanya para magpagamot sa Boston sa lalong madaling panahon para muling maibalik ang nawala niyang boses.

Nangako rin siya kapag natapos at naging successful ang gagawing operasyon sa kanyang lalamunan ay magko-concert siya sa pagbabalik ng Pinas.

Pero bago umalis para magpagamot sa Boston ay tatapusin muna niya ang lahat ng commitment na natanguan.

Bago umalis ay nagpasalamat din si Nora sa PMPC sa ipinagkaloob na karangalan sa kanya ng samahan at sa lahat ng kanyang fans na laging nandiyan kahit anong mangyari.

Samantala, nakagugulat ang suporta ng mga Noranian sa Superstar, gaya na lang nitong isang silent follower niya na nag-produce ng isang fundraising concert para kay Ate Guy.

Ang nasabing silent follower ang nanguna sa pag-oorganisa ng concert at sa mismong hotel niya ito gagawin para walang bayad. Na-inspire ang nasabing fan ng Superstar sa nangyari sa kanyang idolo matapos maapektuhan ang singing and speaking voice nito.

Alam din ng producer na may kinikita naman sa kasalukuyan si Nora mula sa TV5,n pero dahil sa kagustuhan niya makatulong sa kanyang iniidolo na maipagamot nito ang kanyang lalamunan, naisipan niyang mag-produce ng show na magtatampok sa ilang mga sikat na singers at local talents ng Pampanga.

Walang magiging partipasyon si Nora sa concert pero darating ito para manood, mag-sign ng autograph at magpa-picture taking. Bukod kay Ate Guy, may iba pang benefiiary ang nasabing concert.

***

NAGPAUNLAK magpa-interview si Laguna Governor E.R, Ejercito pagkatapos ng PMPC Star Awards For Music na ginanap sa Irwin Theater ng Ateneo Manila kahapon (Sunday) sa ilang press.

Hiningi namin ang reaction niya sa poster ni Nora Aunor na may hawak ng sigarilyo na isa sa leading lady niya sa remake ng Asiong Salonga.

Binabatikos kasi ito at hindi raw magandang tingnan na parang ipinu-promote pa nila ang paninigarilyo.

Maging si Gov. ER na gumaganap na Asiong Salonga ay may hawak ding sigarilyo na binatikos rin ng mga taong against smoking.

“Tumigil na kami ni Ate Guy sa paninigarilyo. Pareho kami na-ospital dahil sa paninigarilyo. Yung poster na may sigarilyo si Nora ay para sa pelikula at hindi para i-promote or iindorso ang paninigarilyo.

“Dapat nilang punahin at sitahin ay yung source. Yung mga gumagawa o nagma-manufacture ng cigarettes. Hindi yung mga gumagamit.

“Kung wala silang mga manufacturer, walang maninigarilyo, Maiiwasan pa ang mga iba’t ibang sakit na dulot ng paninigarilyo.

“Mahirap, pero kung magagawa ay malaking tulong sa ating lahat. Sabi nila kapag nawala ang manufacturer ng cigarettes ay marami rin ang mawawalan ng trabaho. “Pero kung talagang gusto nila ng pagbabago at masupil ang paninigarilyo, ‘yan ang dapat gawin at yan ay nasa desisyon ng Pangulo,” mahabang paliwanag ni Gov. E.R.

Samantala, umaasa pa rin si Gov ER na makapapasok ang remake ng Asiong Salonga sa darating na Metro Manila Film Festival sa December.

“Sana makapasok. Sabi kasi baka hindi na makahabol sa deadline ang movie entry ni Robin (Padilla) na Mr. Wong. Hindi pa raw nagsisimula ang shooting. Baka hindi raw umabot sa deadline ang entry nila,” say pa ni Gov E.R.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply