Gagahasain na may regla, inutas ng rapist

TULUYANG pinatay ng isang rapist ang dalagang kanya sanang gagahasain nang malamang mayroon itong buwanang dalaw sa Cebu City, iniulat ng pulisya ngayon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Mary Grace Ravina, ng Barangay Adlaon sa Cebu.

Agad namang nadakip ng mga tauhan ng Cebu City Police ang suspek na si William Magno, nahaharap sa kasong homicide.

Sa imbestigasyon, lumalabas na gagahasain sana ni Magno ang biktima ngunit nang nalamang may menstruation si Ravina ay nabitin ito dahilan para mabuwist at binaril ang dalaga.

Lumalabas na matagal nang pinagnanasaan ng suspek ang babae subalit may iba na itong minamahal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply