Galit ni Shaina kay Ruffa sumabog na

SINABI mang hindi galit kay Ruffa Gutierrez, lumalabas naman sa mga salita ni Shaina Magdayao kung anong samang epekto ni Ruffa sa kanilang relasyon ng aktor na si John Lloyd Cruz.

Sa tell all interview ng dalawa sa The Buzz with Boy Abunda, walang takot na inamin ni Shaina na totoong nag-text siya kay Ruffa ng “Leave us alone” gamit ang phone ng kanyang kasintahan sa birthday concert ng kanyang ate na si Vina Morales.

Lumalabas din sa mga salita ni Shaina na hindi sila dapat mag-agawan ni Ruffa sa iisang lalaki na sa kahit sinong babae ay hindi naman dapat na mangyari.

Mataman namang nakikinig lang si John Lloyd na aminadong nito lamang niya narinig kay Shaina ang nasabing kwento dahil sa matagal na rin aniya silang hindi nagkakausap ng dalaga.

Aminado rin ang magkasintahan na nasa stage sila ng pag-aayos ng kanilang personal issues pero nilinaw na hindi iyo dahil kay Ruffa Gutierrez.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply